Nais kong maghanap nang mas nakasisiguro gamit ang paghahanap sa Secure Sockets Layer (SSL)

  • Paghahanap sa SSL

Paghahanap sa SSL

Sa paghahanap sa Google sa SSL, maaari kang magkaroon ng end-to-end na solusyon sa naka-encrypt na paghahanap sa pagitan ng iyong computer at Google. Tumutulong ang naka-secure na channel na ito na protektahan ang iyong mga resulta ng paghahanap at, sa karamihan ng mga kaso, ang iyong mga termino para sa paghahanap (nakabalangkas ang mga pagbubukod sa ibaba) na maharang ng isang third party. Binibigyan ka nito ng higit na secure at pribadong karanasan sa paghahanap.

Habang ginagawa naming available ang SSL, ang paghahanap sa SSL ang magiging default kapag naka-sign in ka. Kapag ginagamit ang paghahanap sa SSL, maglalaman ang URL ng https (tandaan ang karagdagang "s") na sinusundan ng domain ng Google, hal. https://www.google.com, at maaari ring magbigay ang iyong browser ng nakikitang pagsasaad na gumagamit ka ng SSL, tulad ng icon na lock sa URL bar. Maaari ka ring direktang mag-navigate sa https://www.google.com o sa https://encrypted.google.com kung naka-sign out ka o kung wala kang Google Account.

Sa kabuuan ng artikulong ito, ginagamit namin ang Google.com bilang halimbawang domain ng Google, ngunit available na ngayon ang paghahanap sa SSL sa karamihan ng mga nasa nangungunang antas na domain ng wika ng Google (hal. Google.es at Google.fr).

Ano ang SSL?

Ang SSL (Secure Sockets Layer) ay isang protocol na tumutulong na magbigay ng secure na mga komunikasyon sa Internet para sa mga serbisyo tulad ng pagba-browse ng web, e-mail, instant messaging, at ibang paglilipat ng data. Kapag naghanap ka sa SSL, naka-encrypt ang iyong mga query sa paghahanap at trapiko ng paghahanap upang hindi madaling makita ng mga tagapamagitang partido na maaaring may access sa iyong network ang iyong mga resulta at termino para sa paghahanap.

Ano ang maaasahan ko sa paghahanap sa SSL?

Narito kung paano naiiba ang paghahanap sa SSL sa regular na paghahanap sa Google:

  • Ine-encrypt ng SSL ang channel ng komunikasyon sa pagitan ng Google at computer ng naghahanap. Kapag naka-encrypt ang trapiko ng paghahanap, hindi ito madaling made-decode ng mga third party sa pagitan ng computer ng naghahanap at mga server ng Google. Tandaang may ilang limitasyon ang SSL protocol — nasa ibaba ang higit pang mga detalye.
  • Sa karamihan ng mga pagkakataon, kapag ginamit mo ang https://www.google.com ine-encrypt ang iyong mga termino para sa paghahanap at ibinubukod mula sa mga header ng referrer na bahagi ng hiling na ipinadala sa site ng resulta na iyong binibisita. Tatanggap pa rin ang landing site ng impormasyon na nagmumula ka sa Google, ngunit hindi ang query na ibinigay -- bahagi pa rin ng referrer na ipinapasa ang host. May ilang pagbubukod dito:
    • Kung ni-redirect ka ng administrator ng iyong network sa isang configuration na NoSSLSearch na mayroon kami para sa mga paaralan (tingnan sa ibaba), maaaring hindi naka-encrypt ang iyong query, dahil na-redirect ka sa isang hindi naka-encrypt na session ng http.
    • Kung na-configure mo ang box para sa paghahanap ng iyong browser na magpadala ng mga query ng paghahanap sa http://www.google.com, mare-redirect ka sa https upang ma-encrypt ang iyong mga resulta, ngunit paunang maipadadala ang iyong query nang hindi naka-encrypt
  • Kung mag-click ka sa isang ad sa pahina ng mga resulta, magpapadala ang iyong browser ng hindi naka-encrypt na referrer na kinabibilangan ng iyong query sa site ng advertiser. Nagbibigay ito ng mekanismo sa advertiser upang mapabuti ng advertiser ang kaugnayan ng mga ad na ipinapakita sa iyo. Kung nag-aalala ka tungkol sa impormasyon ng referrer na ipinapadala nang walang pag-encrypt sa website na iyong na-click, inirerekomenda namin ang paggamit sa aming umiiral nang serbisyo sa naka-encrypt na paghahanap sa https://encrypted.google.com. Marami ring mga browser ng web ang nagbibigay din ng kakayahang huwag paganahin ang mga referrer.
  • Sa oras na ito, available ang paghahanap sa SSL sa Web, Images at lahat ng mode ng paghahanap maliban sa Maps.
  • Ang iyong karanasan sa Google gamit ang paghahanap sa SSL ay maaaring bahagyang mas mabagal kaysa sa iyong nakasanayan dahil kailangan muna ng iyong computer na magtaguyod ng secure na koneksyon sa Google.

Itinatala ng Google ang parehong impormasyon tungkol sa iyong paghahanap kapag gumagamit ka ng SSL tulad ng ginagawa namin para sa hindi naka-encrypt na paghahanap. Hindi binabawasan ng paghahanap sa SSL ang data na natatanggap at itinatala ng Google kapag naghanap ka, o binabago ang listahan ng mga item sa iyong Kasaysayan ng Web.

Mga pagpipilian sa SSL para sa mga paaralan

Kapag naghahanap ang mga mag-aaral gamit ang SSL sa https://www.google.com, ang mga umiiral nang program upang paghigpitan ang ilang uri ng nilalaman mula sa mga network ng paaralan ay maaaring maantala. Sa SSL, maaaring hindi magawang makita o baguhin ng mga filter ng nilalaman at proxy sa iyong network ang query sa paghahanap o tugon ng Google.

Kung problema ang sitwasyong inilarawan sa itaas para sa iyong paaralan, magbibigay ang Google ng pagpipiliang "NoSSLSearch". Maaaring ayusin ng administrator ng network ang configuration ng DNS para sa anumang domain ng Google (hal. www.google.com) upang tumuro sa aming NoSSLSearch end point. Pare sa regular na trapiko ng http, hindi makakakita ang user ng anumang pagkakaiba.

Impormasyon para sa mga administrator ng network ng paaralan tungkol sa pagpipiliang NoSSLSearch

Upang gamitin ang pagpipiliang NoSSLSearch para sa iyong network, mangyaring i-configure ang entry ng DNS para sa anumang domain ng Google (hal. www.google.com) upang maging isang CNAME para sa nosslsearch.google.com. Hindi kami maghahatid ng mga resulta ng paghahanap na SSL para sa mga hiling na natanggap namin sa hostname na ito. Kung makatanggap kami ng hiling sa paghahanap sa port 443, matagumpay na makukumpleto ang certificate handshake, ngunit ire-redirect namin pagkatapos ang user sa isang hindi SSL na karanasan sa paghahanap kasama ang isang paunang mensahe na nagpapaliwanag dito.

Nakadepende ang lahat ng pag-customize at pag-personalize sa availability ng SSL, kaya maaaring wala ang ilang tampok. Hindi maaapektuhan ng NoSSLSearch address ang ibang serbisyo ng Google sa labas ng Paghahanap. Patuloy na gagana (at magaganap sa SSL) ang pag-sign in sa Gmail, Google Apps at pagpapatunay sa iba't ibang serbisyo.

Kung nakakaranas ka pa rin ng isyu sa Paghahanap sa SSL pagkatapos na subukang ipatupad ang aming solusyon, pakipunan itong maikling form upang matulungan kaming matingnan pa iyong problema.

Pag-block ng access

  • Kapag naghanap ang mga mag-aaral gamit ang https://encrypted.google.com, maaaring hindi magawang basahin ng mga system sa pag-filter ng nilalaman na nakalagay sa iyong network ang kanilang mga paghahanap o tugon ng Google. Kung problema ito para sa iyong paaralan, maaari mong i-block ang https://encrypted.google.com. Kapag patuloy na naghanap ang mga mag-aaral gamit ang http://www.google.com, gagana ang iyong pag-filter ng nilalaman tulad ng kung paano ito palaging gumagana noon.
  • Hindi namin inirerekomenda ang pag-block ng https://www.google.com. Sa halip, isaalang-alang ang paggamit ng pagpipiliang NoSSLSearch na inilarawan sa itaas.

Nagbibigay ba ang SSL ng kumpletong seguridad?

Bagama't tumutulong ang SSL na pigilan ang mga tagapamagitang partido, tulad ng mga internet cafe o ISP, na makita ang tugon sa iyong query, maaari pa rin nilang malaman kung aling mga website ang iyong binibisita sa sandaling mag-click ka sa mga resulta ng paghahanap. Halimbawa, kapag naghanap ka sa SSL para sa [ mga bulaklak ], ine-encrypt ng Google ang mga resultang ibinabalik ng Google. Ngunit kapag nag-click ka sa isang resulta ng paghahanap, kabilang ang mga resulta tulad ng mga mapa, lalabas ka sa mode na naka-encrypt kung ang destination URL ay wala sa https://. (Sinusuportahan ng paghahanap sa Web ng Google at mode ng paghahanap ang SSL.)

Bagama't nag-aalok ang SSL ng mga malinaw na pakinabang sa privacy at seguridad, hindi ito nagpoprotekta laban sa lahat ng pag-atake. Nakadepende ang mga pakinabang ng SSL sa listahan ng pinagkakatiwalaang root certificate ng iyong browser, seguridad ng mga samahang nagbibigay ng mga certificate na iyon, at paraan kung paano mo at ng iyong browser pinangangasiwaan ang mga babala sa certificate.

Bilang karagdagan, bagama't naka-encrypt ang koneksyon sa pagitan ng iyong computer at Google, kung nalagyan ang iyong computer ng malware o keylogger, maaari rin magawa ng third party na makita ang mga query na iyong direktang na-type. Inirerekomenda namin na matutunan ng lahat kung paano pigilan at alisin ang malware.

Availability ng SSL

Available na ngayon ang Paghahanap sa SSL sa karamihan ng mga domain ng Google. Ang secure na paghahanap sa https://www.google.com ay maaaring hindi available kung ginagamit ng administrator ng iyong network ang mekanismong "NoSSLSearch" upang i-downgrade ang mga paghahanap sa https://www.google.com patungong http://www.google.com nang wala ang pag-encrypt. Kung mangyari iyon, maaari mo pa ring gamitin ang https://encrypted.google.com upang magsagawa ng mga naka-encrypt na paghahanap. Kung naka-block ang https://encrypted.google.com, mangyaring iparating ang isyu sa administrator ng iyong network.

Nakakakita ng babala?

Kapag nagsagawa ka ng paghahanap sa https://www.google.com maaari kang makakita ng babala kung ang pahina ay may ilang hindi secure na bahagi. Depende sa mga setting ng iyong browser, maaari mong makita ang icon na lock na maging isang simbolo ng babala, pop-up na mensahe, o ilang ibang anyo ng alerto. Madalas na tinutukoy ang isyung ito bilang "error na magkahalong nilalaman." Maaari itong maganap dahil sa mga plugin ng browser na nagpapasok ng nilalaman sa mga resulta ng pahina o maaaring mayroon ding ilang bihirang pagkakataon sa paghahanap sa SSL na bumubuo ng error na magkahalong nilalaman. Magsusumikap kami upang mapigilan ang mga naturang error, at maaari kang makatulong kung ikaw ay mag-uulat ng anumang mga error sa pamamagitan ng aming Forum ng Tulong.

Sabihin sa amin ang aming pagganap - Sagutin ang limang maiikling katanungan tunkol sa iyong karanasan sa help center