Ang pahayag ng pagkapribado na ito ay iiral sa mga website, serbisyo at produkto ng Microsoft na nagtitipon ng data at nagpapakita sa mga takdang ito, pati na sa mga offline na sa mga serbisyo nitong offline na suporta sa mga produkto. Hindi ito iiral sa mga site, serbisyo, at produkto ng Microsoft na hindi nagpapakita o nagli-link sa pahayag na ito o kaya'y mayroong sarili nilang mga pahayag ng pagkapribado.
Pakibasa ang mga buod sa ibaba at mag-click sa "Dagdagan ang Nlalaman" para sa marami pang detalye tungkol sa isang partikular na paksa. Maaari ka rin pumili mula sa mga produktong nakalista sa itaas para makita ang pahayag ng pagkapribado ng produktong iyon. Ang ilang produkto, serbisyo o mga itinatampok na nabanggit sa pahayag na ito ay maaaring hindi magagamit sa lahat ng merkado. Makakakita ka ng marami pang impormasyon tungkol sa pangako ng Microsoft na protektahan ang iyong pagkapribado sa http://www.microsoft.com/privacy.
Karamihan ng mga Site ng Microsoft ay gumagamit ng "cookies," na maliliit na file na nababasa ng isang web server sa domain na naglagay ng cookie sa iyong hard drive. Maaaring gumamit kami ng mga cookie para iimbak ang iyong mga pinipili at setting; tulong sa pag-sign in; magbigay ng mga nakatuon na anunsiyo; at mag-anallisa ng mga operasyon.
Gumagamit din kami ng mga web beacon par amakatulong na maihatid ang mga cookie at mag-compile ng analytics. Maaaring magtaglay ang mga ito ng mga web beacon mula sa ikatlong partido, na pinagbabawalang kolektahin ang iyong personal na impormasyon.
Marami kang kagamitan para kontrolin ang mga cookie at halintulad na teknolohiya, kabilang na ang:
Ang Paggamit Namin ng Mga Cookie
Karamihan ng mga Web site ng Microsoft ay gumagamit ng "mga cookie," na maliliit na text file na inilalagay ng isang web server sa iyong hard disk. Ang mga cookie ay naglalaman ng impormasyon na nababasa ng isang web server sa domain na nagbigay ng cookie sa iyo. Ang text na iyon ay kadalasang naglalaman ng isang linya ng mga numero at letra na nukod-tanging pagkakakilanlan ng iyong computer, ngunit maaaring magtaglay rin ng iba pang impormasyon. Narito ang isang halimbawa ng teksto na nakaimbak sa isang cookie na maaaring ilagay ng Microsoft sa iyong hard disk kapag bumisita ka sa isa sa mga web site namin: E3732CA7E319442F97EA48A170C99801
Maaari kaming gumamit ng mga cookie para sa:
Nakalista sa sumusunod na chart ang ilan sa mga cookie na karaniwan naming ginagamit. Hindi buo ang listahang ito, ngunit inilaan para ilarawan ang ilan sa mga dahilan ng aming pagtatakda ng mga cookie. Kung bibisita ka sa isa sa mga web site namin, maaaring itakda ng site ang ilan o ang lahat ng sumusunod na cookie:
Bilang dagdag sa mga cookie na maaaring itakda ng Microsoft sa iyong pagbisita sa aming mga web site, maaaring magtakda rin ng mga cookie ang mga ikatlong partido sa iyong hard drive kapag bumisita ka sa mga site ng Microsoft. Sa ilang pagkakataon, iyon ay dahil nagpatrabaho kami sa isang ikatlong partido na maghatid ng partikular na serbisyo para sa amin, tulad ng mga site analytic. Sa iba pang pagkakataon, ito ay dahil ang aming mga web page ay may nilalaman o anunsiyong mula sa mga ikatlong partido, tulad ng mga video, balita o mga anunsiyong hatid ng iba pang network. Dahil ang aming browser ay kumukonekta sa mga web server ng mga ikatlong partidong iyon para kumuha ng nilalaman, ang mga ikatlong partidong iyon ay nagagawang magtakda o basahin ang sarili nilang mga cookie na nasa iyong hard drive.
Paanong Kontrolin ang Mga Cookie
Halimbawa, sa Internet Explorer 9, maaari mong harangan ang mga cookie sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
Available ang mga tagubilin para sa pag-block ng mga cookie sa iba pang mga browser sa http://www.allaboutcookies.org/manage-cookies/.
Pakitandaan na kung pipiliin mong mag-block ng mga cookie, maaaring hindi ka maka-sign in o makagamit ng iba pang mga interactive na tampok ng mga site at serbisyo ng Microsoft na nakadepende sa mga cookie, at maaaring hindi masunod ang ilang kagustuhan sa advertising na nakadepende sa mga cookie.
Halimbawa, sa Internet Explorer 9, maaari kang magtanggal ng mga cookie sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod na hakbang:
Available ang mga tagubilin para sa pagtatanggal ng mga cookie sa iba pang mga browser sa http://www.allaboutcookies.org/manage-cookies/.
Pakitandaan na kung pipiliin mong magtanggal ng mga cookie, tatanggalin at maaaring kailanganing gawin muli ang anumang mga setting at kagustuhang kinokontrol ng mga cookie na iyon, kasama ang mga kagustuhan sa advertising.
Mga Kontol ng Browser para sa "Do Not Track" at Proteksyon Laban sa Pagsusubaybay. Nagsasama na ang ilang mas bagong browser ng mga tampok ng "Do Not Track". Karamihan sa mga tampok na ito, kapag pinagana, ay nagpapadala ng signal o piniling opsiyon sa mga web site na iyong binibisita na hindi mo nais na masundan (tracked). Maaaring magpatuloy ang mga site na iyon (o ang nilalaman ng third party sa mga site na iyon) na magsagawa ng mga aktibidad na maaaring ituring mo na pagsusubaybay kahit na inihayag mo ang kagustuhang ito, depende sa mga kasanayan sa privacy ng mga site.
Ang Internet Explorer 9 at 10 ay may tampok na tinatawag na Proteksyon sa Pagsusubaybay na nakakatulong na pigilan ang mga web site na pinupuntahan mo na awtomatikong magpadala ng mga detalye tungkol sa iyong pagbisita sa mga third party na provider ng nilalaman. Kapag nagdagdag ka ng isang Tracking Protection List, haharangin ng Internet Explorer ang mga nilalamang mula sa ikatlong partido, kasama na ang mga cookie, mula sa anumang site na nakalista bilang site na dapat harangin. Sa pamamagitan ng paglimita sa pagtawag sa mga site na ito, lilimitahan ng Internet Explorer ang impormasyong makokolekta ng mga site na ito tungkol sa iyo. At kapag mayroon kang Tracking Protection List na pinagana, magpapadala ang Internet Explorer ng isang Do Not Track signal o piniling opsiyon sa mga web site na iyong binibisita. Bilang karagdagan, sa Internet Explorer 10, maaari mong "i-off" o "i-on" ang DNT nang magkahiwalay, kung gusto mo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Mga Listahan ng Proteksyon Laban sa Pagsusubaybay at Do Not Track, pakitingnan ang pahayag ng pagiging pribado ng Internet Explorer o Tulong ng Internet Explorer.
Ang bawat kompanya sa pag-aanunsiyo ay maaaring mag-alok din ng kani-kanilang mga opsiyon sa pagtangging tumanggap ng anunsiyo at dagdag pa ang mas matataas na opsiyon sa pag-aanunsiyo. Halimbawa, available ang kagustuhan sa advertising at mga kontrol sa pag-opt-out ng Microsoft sa http://choice.live.com/advertisementchoice/. Pakitandaan na ang pagpiling tumangging makatanggap ay hindi nangangahulugan na hindi ka na makatatanggap ng mga anunsiyo, o kaya'y mas kaunti na ang anunsiyong makikita; gayunman, kung piliin mong hindi makatanggap, ang mga anunsiyong iyong matatanggap ay hindi na nakatuon sa ugali. Bilang karagdagan, hindi pinipigilan ng pag-opt out ang impormasyon na pumunta sa mga server namin, pero pinipigilan nito ang paggawa o pag-update namin ng mga profile na maaaring gamitin para sa behavioral advertising.
Ang Aming Paggamit na mga Web Beacon
Ang mga web page ng Microsoft ay maaaring magtaglay ng mga elektronikong larawan na kilala bilang mga Web beacon - kung minsan ay tinatawag na mga single-pixel gif - na maaaring gamitin para makatulong sa paghahatid ng mga cookie sa aming mga site, pinahihintulutan kaming mabilang ang mga gumagamit na bumisita sa mga pahinang iyon, at makapaghatid ng mga serbisyong co-branded (magkasamang tatak). Maaaring magsama kami ng mga web beacon sa mga promosyonal na e-mail o sa aming mga newsletter upang matukoy kung ang mga mensahe ay nabuksan o may pagkilos na ginawa dito.
Maaari din kaming makipagtulungan sa iba pang kumpanya na nag-aanunsiyo sa mga site ng Microsoft na maglagay ng mga web beacon sa kanilang mga site o anunsiyo para magbigay-daan sa amin na bumuo ng mga estadistika tungkol sa gaano kadalas na ang pag-click sa isang anunsiyong nasa site ng Microsoft ay nauuwi sa pagbili o iba pang pagkilos sa site ng nag-aanunsiyo.
At sa huli, ay maaaring gumamit din ang Microsoft ng mga web beacon mula sa mga ikatlong partido para makatulong sa amin na matipon ang mga nakuhang estadistika tungkol sa bisa ng aming mga promosyonal na kampanya o iba pang operasyon ng aming mga site. Ang mga web beacon na ito ay maaaring magpahintulot sa mga ikatlong partido na magtakda o basahin ang cookie na nasa iyong computer. Pinagbabawal namin sa mga ikatlong partido ang paggamit ng mga web beacon sa aming mga site para kumolekta o magbukas ng iyong personal na impormasyon. Gayunpaman, mapipili mong tumangging mula sa lahat ng pagkolekta ng data o paggamit ng mga analytic ng mga ikatlong partido sa pamamagitan ng pag-click sa mga link ng bawat tagapaghatid ng analytics:
Iba Pang Halintulad na Teknolohiya
Bilang karagdagan sa mga karaniwang cookie at web beacon, maaaring gumamit ang mga web site ng mga teknolohiyang nag-iimbak at nagbabasa ng mga file sa iyong computer. Ito'y maaaring ginagawa para mapanatili ang iyong mga pinili o para mapahusay ang bilis at pagganap sa pamamagitan ng lokal na pag-imbak ng mga file. Pero, tulad ng mga karaniwang cookie, maaari rin itong gamitin para mag-iwan ng bukod-tanging pagkakakilanlan para sa iyong computer, na siya namang magagamit para manmanan ang ikinikilos. Kabilang sa mga teknolohiyang ito ang Local Shared Objects (o "Flash cookies") at Silverlight Application Storage.
Mga Local Shared Object o "Flash cookies." Ang mga web site na gumagamit ng mga teknolohiyang Adobe Flash ay maaaring gumamit ng mga Local Shared Object o "Flash cookies" para mag-imbak ng data sa iyong computer. Tandaan na ang kakayahang burahin ang mga Flash cookie ay maaaring kontrolado o hindi ng setting ng iyong browser para sa mga karaniwang cookie dahil maaaring maging iba-iba ito sa bawat browser. Para pamahalaan o i-block ang mga Flash na cookie, pumunta sa http://www.macromedia.com/support/documentation/en/flashplayer/help/settings_manager.html.
Silverlight Application Storage. Ang mga web site o programang gumagamit ng teknolohiyang Microsoft Silverlight ay may kakayahan din na mag-imbak ng data sa pamamagitan ng paggamit sa Silverlight Application Storage. Para alamin kung paano pamahalaan o i-block ang naturang storage, bisitahin ang Silverlight.
Ang Microsoft ay kumukuha ng maraming uri ng impormasyon upang gumana at maihatid sa iyo ang pinakamahuhusay na produkto, serbisyo at karanasan kaya namin.
Kumukuha kami ng impormasyon kapag ikaw ay magrehistro, mag-sign in at gumamit ng aming mga site at serbisyo. Maaari rin kaming kumuha ng impormasyon mula sa iba pang kompanya.
Kinokolekta namin ang impormasyong ito sa iba't-ibang paraan, kasamana na ang mula sa mga web form, mga teknolohiyang tulad ng cookies, web logging at software na nasa iyong computer o iba pang aparato.
Ang Microsoft ay kumukuha ng maraming uri ng impormasyon upang gumana at maihatid sa iyo ang pinakamahuhusay na produkto, serbisyo at karanasan kaya namin. Ang ilan sa impormasyong ito ay direktang mula sa iyo. Ang ilan dito ay nakukuha namin sa pamamagitan ng pag-aaral sa iyong interaksiyon sa aming mga produkto at serbisyo. Ang ilan ay nakukuha mula sa ibang pinagkukunan na maaaring pinagsasama namin sa mga data na direkta naming nakokolekta. Maging anupaman ang pingmulan, naniniwala kaming importanteng tratuhin ang impormasyong iyon nang may pag-iingat at para makatulong na mapanatili ang iyong pagkapribado.
Anu-ano ang aming kinukuha:
Paano kami kumukuha:
Gumagamit kami ng ilang paraan at teknolohiya para kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit sa aming mga site at serbisyo, tulad ng:
Ginagamit ng Microsoft ang impormasyong aming nakokolekta para paganahin, paghusayin at ipasadya ang mga produkto at serbisyong aming inaalok.
Maaaring gagamitin din namin ang impormasyon para makipag-ugnayan sa iyo, halimbawa ay, pagbibigay-alam sa iyo ng tungkol sa mga update sa iyong account at seguridad.
At maaaring gagamitin namin ang impormasyon para makatulong na gawing mas naaangkop ang mga anunsiyong (ads) nakikita mo sa mga serbisyo naming suportado ng mga anunsiyo.
Ginagamit ng Microsoft ang impormasyong aming nakokolekta para paganahin, paghusayin at ipasadya ang mga produkto at serbisyong aming inaalok. Ang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng isang serbisyo ng Microsoft ay maaaring ipagsama sa impormasyong nakolekta mula sa iba pang serbisyo ng Microsoft para makapagbigay ng tuloy-tuloy at pinasadyang karanasan sa mga pakikipag-ugnayan mo sa amin. Maaari rin namin itong dagdagan ng impormasyong mula sa ibang kompanya. Halimbawa, maaaring gagamitin namin ang mga serbisyong mula sa ibang kompanya na magbibigay-daan sa amin na bumuo ng pangkalahatang kinaroroonan batay sa iyong IP address upang maipasadya ang ilang serbisyo sa iyong kinaroroonan.
Maaaring gamitin din namin ang impormasyon para makipag-ugnayan sa iyo, halimbawa ay, pagbigay-alam sa iyo ng tungkol sa pagtatapos ng isang suskrisyon, pagbigay-alam sa iyo ng tungkol sa mga update sa seguridad na maaaring makuha o pagbigay-alam sa iyo kapag kailangan ng iyong pagkilos para mapanatiling aktibo ang iyong account.
Hatid ng Microsoft ang marami sa aming mga site at serbisyo nang libre dahil suportado ang mga ito ng advertising. Para maparating sa mas nakararaming tao ang mga serbisyong ito, ang impormasyong kinokolekta namin ay maaaring gagamitin para makatulong na mapahusay ang mga advertisement na iyong nakikita sa pamamagitn ng paggawang mas makabuluhan ang mga ito para sa iyo.
Except as described in this privacy statement, we won't disclose your personal information to a third party without your consent.
Pakibasa ang Iba Pang Importanteng Impormasyon sa Pagkapribado para sa mga detalye tungkol sa kung kailan maaaring ihayag namin ang impormasyon, pati na sa mga kasosyo at tagapaghatid-serbisyo ng Microsoft; kapag hiningi ng batas o para tugunan ang isang prosesong legal; para labanan ang panlilinlang o pangalagaan ang aming kapakanan; o para protektahan ang mga buhay.
Maliban kung inilarawan sa pahayag ng pagkapribado na ito, hindi namin isisiwalat ang iyong personal na impormasyon sa isang ikatlong partido nang wala ang iyong pahintulot.
I-click dito para sa karagdagang impormasyon sa pagbabahagi o paghahayag ng personal na impormasyon:
Ang ilang serbisyo ng Microsoft ay nagbibigay sa iyo ng kakayahan na makita o i-edit ang iyong personal na impormasyon nang online. Para makatulong na maiwasang makita ng ibang tao ang iyong personal na impormasyon, kakailanganin mo munang mag-sign in. Ang paraan ng paggamit sa iyong personal na impormasyon ay maibabatay sa kung anu-anong mga site o serbisyo ang iyong ginamit.
Microsoft.com - Maaari mong buksan at i-update ang iyong profile sa microsoft.com sa pamamagitan ng pagbisita sa Microsoft.com Profile Center.
Microsoft Billing at mga Serbisyo sa Account - Kung mayroon kang Microsoft Billing account, maaari mong i-update ang iyong impormasyon sa web site ng Microsoft Billing sa pamamagitan ng pag-click sa link na "Personal Information" o "Billing Information".
Microsoft Connect - Kung ikaw ay nakarehistrong gumagamit ng Microsoft Connect, maaari mong buksan at i-edit ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pag-click sa Manage Your Connect Profile sa website ng Microsoft Connect.
Windows Live - Kung gumamit ka ng mga serbisyo ng Windows Live, maaari mong i-update ang impormasyon ng iyong profile, baguhin ang iyong password, tingnan ang bukod-tanging ID na nakaugnay sa iyong pagkakakilanlan, o isara ang ilang partikular na account sa pamamagitan ng pagbisita sa Windows Live Account Services.
Windows Live Pampublikong Profile - Kung gumawa ka ng pampublikong profile sa Windows Live, maaari mo rin i-edit o i-delete ang impormasyon na nasa iyong pampublikong profile sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong Windows Live profile.
Search Advertising - Kung nagbabayad ka ng search advertising (anunsiyo sa paghahanap) sa pamamagitan ng Microsoft Advertising, maaari mong repasuhin at i-edit ang iyong personal na impormasyon sa Web site ng Microsoft adCenter.
Microsoft Partner Programs - Kung ikaw ay nakarehistro sa Microsoft Partner Programs, maaari mong repasuhin at i-edit ang iyong profile sa pamamagitan ng pag-click sa Manage Your Account sa website ng Partner Program.
Xbox - Kung ikaw ay gumagamit ng Xbox LIVE o Xbox.com, maaari mong tingnan o i-edit ang iyong personal na impormasyon, kasama na ang impormasyon sa billing at account, mga setting ng pagkapribado, kaligtasan habang online at mga pinipiling opsiyon sa data sharing (pagbabahagi ng data) sa pamamagitan ng pagbukas sa My Xbox sa Xbox 360 console o sa web site ng Xbox.com. Para sa impormasyon ng account, piliin ang My Xbox, Accounts. Para sa iba pang setting ng personal na impormasyon, piliin ang My Xbox, pagkatapos ay Profile, pagkatapos ay Online Safety Settings.
Zune - Kung mayroon kang Zune account o isang suskrisyon sa Zune Pass, maitatakda mo ang mga pinipili para sa pagkontak at piliin kung nais mong ibahagi ang iyong impormasyon sa pagkontak sa mga kasosyo ng Zune sa Zune.net (mag-sign in, buksan ang iyong Zune tag, pagkatapos ay My Account, mga opsiyon sa Newsletter) o sa pamamagitan ng Zune software (mag-sign in, buksan ang iyong Zune tag, pagkatapos ay piliin ang Zune.net profile).
Kung hindi mo mabuksan ang iyong personal na data na kinuha ng mga site at serbisyo ng Microsoft gamit ang mga link sa itaas, ang mga site at serbisyong ito ay maaaring magbigay sa iyo ng mga alternatibong paraan ng pagbukas sa iyong data. Maaari kang makipag-ugnayan sa Microsoft sa pamamagitan ng web form. Tutugunan namin angmga kahilingang pasukin o burahin ang iyong personal na impormasyon sa loob ng 30 araw.
Kapag ang isang site o serbisyo ng Microsoft ay kumukuha ng impormasyon sa edad, haharangan nito ang mga gumagamit na wala pang 13 o kaya'y kukuha ng pahintulot mula sa isang magulang o tagapangalaga bago ito magagamit ng kanilang anak.
Kapag ibinigay ang pahintulot, ang account ng bata ay ituturing na tulad ng ibang karaniwang account, kasama na ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang gumagamit.
Maaaring baguhin o bawiin ng mga magulang ang pahintulot ayon sa pagkakalarawan sa pahayag ng pagkapribado na ito.
Kapag ang isang site o serbisyo ng Microsoft ay kumukuha ng impormasyon sa edad, maaaring harangan nito ang mga gumagamit na wala pang 13 o kaya'y kukuha ng pahintulot mula sa isang magulang o tagapangalaga bago ito magagamit ng kanilang anak. Hindi kami hihingi nang walang pakundangan sa isang bata na wala pang 13 na magbigay ng impormasyong higit sa kinakailangan para maihatid ang serbisyo.
Kapag ibinigay ang pahintulot, ang account ng bata ay ituturing na tulad ng iba pang karaniwang account. Ang bata ay makakagamit ng mga serbisyong pangkomunikasyon tulad ng e-mail, instant messaging at mga online na message board at maaaring malayang makipag-ugnayan and sa iba pang gumagamit, sa lahat ng edad.
Maaaring baguhin o bawiin ng mga magulang ang pinahintulutang mga pagpipilian na unang ginawa, at pag-aralan, i-edit o hilingin ang pag-delete (pagtanggal) sa personal na impormasyon ng kani-kanilang mga anak. Halimbawa , sa Windows Live, mabibisita ng mga magulang ang kanilang Account, at mag-click sa "Parental Permissions".
Karamihan sa mga online na anunsiyo sa mga site at serbisyo ng Microsoft ay ipinapakita ng Microsoft Advertising. Kapag nagpapakita kami ng mga online na anunsiyo sa iyo, maglalagay kami ng isa o higit pang bilang ng mga cookie sa iyong computer upang makilala ang iyong computer sa bawat pagkakataong magpakita kami ng anunsiyo sa iyo. Sa katagalan, maaaring kumuha kami ng impormasyon mula sa mga site kung saan naghahatid kami ng mga anunsiyo at gagamitin ang impormasyong iyon para makatulong sa paghatid ng mga mas nauugnay na anunsiyo.
Maaari kang tumangging tumanggap ng mga anunsiyong nakatuon mula sa Microsoft Advertising sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opt-out page.
Marami sa aming mga web site at online na serbisyo ang suportado ng pag-aanunsiyo.
Karamihan sa mga online na anunsiyo sa mga site at serbisyo ng Microsoft ay ipinapakita ng Microsoft Advertising. Kapag nagpapakita kami ng mga online na anunsiyo sa iyo, maglalagay kami ng isa o higit pang bilang ng mga mapilit na cookie sa iyong computer upang makilala ang iyong computer sa bawat pagkakataong magpakita kami ng anunsiyo sa iyo. Dahil naghahain kami ng mga anunsiyo sa sarili naming mga website pati na ng sa mga mga kasosyo namin sa pag-aanunsiyo at paglalathala, nagagawa naming magtipon ng impormasyon sa kalaunan tungkol sa mga uri ng pahina, nilalaman at mga patalastas na iyong pinuntahan o tiningnan, o ng iba pang gumagamit ng iyong computer. Ang impormasyong ito ay ginagamit sa maraming layunin, halimbawa, ito'y nakatutulong sa amin na subuking matiyak na hindi mo nakikita ang mga anunsiyo nang paulit-ulit. Ginagamit din namin ang impormasyong ito para makatulong na pumili ng mga nakatuon na anunsiyo na pinaniniwalaan naming iyong magugustuhan.
Maaari kang tumangging tumanggap ng mga anunsiyong nakatuon mula sa Microsoft Advertising sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opt-out page. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paanong kumukuha at gumagamit ng impormasyon ang Microsoft Advertising, pakibasa ang Pahayag ng Pagkapribado ng Microsoft Advertising.
Pinahihintulutan din namin ang mga ikatlong partidong kompanya sa pag-aanunsiyo, kabilang na ang iba pang network sa pag-aanunsiyo, na magpakita ng mga anunsiyo sa aming mga site. Sa ilang pagkakataon, ang mga ikatlong partidong ito ay maaari rin maglagay ng mga cookie sa iyong computer. Kasam sa mga kompanyang ito ang, ngunit hindi limitado sa: 24/7 Real Media, adblade, AdConion, AdFusion, Advertising.com, AppNexus, Bane Media, Brand.net, CasaleMedia, Collective Media, InMobi, Interclick, Jumptap, Millennial Media, nugg.adAG, Mobclix, Mojiva, SpecificMedia, Tribal Fusion, ValueClick, Where.com, Yahoo!, YuMe, Zumobi.Maaaring mag-alok ang mga kompanyang ito sa iyo ng paraan para tanggihan ang pagtutuon ng anunsiyo batay sa kani-kanilang mga cookie. Maaaring makakuha ka ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng pag-click sa mga pangalan ng kompanya sa itaas at sundan ang mga link papunta sa Web site ng bawat kompanya. Marami sa kanila ay mga miyembro rin ng Network Advertising Initiative o ng Digital Advertising Alliance, na kapwa nagbibigay ng simpleng paraan ng pagtanggi sa pagtutuon ng anunsiyo mula sa mga lumalahok na kompanya.
Mahihinto mo ang pagpapadala ng e-mail na pang-promo mula sa mga site o serbisyo ng Microsoft sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin na nasa e-mail na iyong natatanggap. Batay sa apektadong serbisyo, maaaring may opsiyon ka rin na pumili tungkol sa pagtanggap ng mga promosyonal na e-mail, mga tawag sa telepono, at liham sa koreo mula sa mga partikular na site o serbisyo ng Microsoft :
Kung nakatatanggap ka ng mga promosyonal na email mula sa amin at nasi mong hindi na makatanggap sa hinaharap, magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin na nasa mensaheng iyon.
Batay sa apektadong serbisyo, maaaring may opsiyon ka rin na pumili tungkol sa pagtanggap ng mga promosyonal na e-mail, mga tawag sa telepono, at liham sa koreo mula sa mga partikular na site o serbisyo ng Microsoft sa pamamagitan ng pagbisita at pag-sign in sa mga sumusunod na pahina:
Hindi nalalapat ang mga napiling ito sa pagpapakita ng advertising sa online: mangyaring sumangguni sa seksyong "Pagpapakita ng Advertising (Pag-opt-out)" para sa impormasyon sa bagay na ito. Hindi rin ito iiral sa pagtanggap ng kinakailangang komunikasyong pangserbisyo na tinuturing na bahagi ng ilang serbisyo ng Microsoft, na maaaring tatanggapin mo sa pana-panahon maliban kung ikansela mo ang serbisyo.
Ang Microsoft account (kilala noon bilang Windows Live ID at Microsoft Passport) ay isang serbisyong nagpapahintulot sa iyo na mag-sign in sa mga produkto, web site at serbisyo ng Microsoft, pati na sa mga piling kasosyo ng Microsoft. Kapag gumawa ka ng isang Microsoft account, hihingin namin sa iyo na magbigay ng ilang impormasyon. Kapag nag-sign in ka sa isang site o serbisyo gamit ang iyong Microsoft account, kumukuha kami ng ilang impormasyon para matiyak ang iyong pagkakakilanlan para sa site o serbisyo, para maprotektahan ka laban sa malisyosong paggamit sa account, at para maprotektahan ang bisa at seguridad ng serbisyo ng Microsoft account. Nagpapadala rin kami ng ilang impormasyon sa site o serbisyo na iyong pinasok gamit ang iyong Microsoft account.
Para makita ang karagdagang detalye tungkol sa Microsoft account, kasama na kung paano gumawa at gumamit ng Microsoft account, paanong mag-edit ng impormasyon ng account, at kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang impormasyon tungkol sa isang Microsoft account, paki-click ang Dagdagan ang Nalalaman.
Ang Microsoft account (kilala noon bilang Windows Live ID at Microsoft Passport) ay isang serbisyong nagpapahintulot sa iyo na mag-sign in sa mga produkto, web site at serbisyo ng Microsoft, pati na sa mga piling kasosyo ng Microsoft. Kasama dito ang mga produkto, website at serbisyong tulad ng sumusunod:
Paggawa ng isang Microsoft account.
Makagagawa ka ng isang Microsoft account dito sa pamamagitan ng pagbigay ng email address, isang password at iba pang "patunay ng account", tulad ng alternatibong email address, numero ng telepono, at isang tanong na may lihim na sagot. Gagamitin namin ang iyong mga "patunay ng account" para sa mga layuning pangseguridad lamang - halimbawa, para matiyak ang iyong pagkakakilanlan sakaling hindi mo mapasok ang iyong Microsoft account at mangailangan ka ng tulong, o para i-reset ang iyong password kung hindi mo mapasok ang email address na kaugnay ng iyong Microsoft account. Ang ilang serbisyo ay maaaring mangailangan ng karagdagang seguridad, maaaring hingin sa iyo na lumikha ng karagdagang security key. Ang email address at password na iyong gagamitin par mag-sign up para sa iyong Microsoft account ang iyong "kredensiyal" na iyong gagamitin para mapatunayan sa aming network. Dagdag pa rito, may isang bukod-tanging 64-bit na ID number na itatalaga sa iyong kredensiyal at gagamitin para kilalanin ang iyong kredensiyal at kaugnay na impormasyon.
Kapag gumawa ka ng isang Microsoft account, hihingin namin sa iyo na ibigay ang ilang impormasyong demograpika. kasarian; bansa; kaarawan; at postal code. Maaaring gagamitin namin ang kaaarawan para matiyak na ang kabataan ay kukuha ng naaangkop na pahintulot mula sa isang magulang o tagapangala para gumamit ng isang Microsoft account, alinsunod sa hinihingi ng batas. Bilang karagdagan, ang impormasyong demograpiko na ito ay gagamitin ng aming mga online na sistema sa pag-aanunsiyo para bigyan ka ng nakapasadyang mga anunsiyo tungkol sa mga produkto at serbisyong marahil ay kapaki-pakinabang para sa iyo, ngunit ang aming sistema sa pag-aanunsiyo ay hindi kailanman makukuha ang iyong pangalan o numero sa pagkontak. Sa madaling salita, ang aming mga sistema sa pag-aanunsiyo ay hindi nagtataglay o gumagamit ng anumang impormasyon na personal at direktang kikilala sa iyo (tulad ng iyong pangalan, email address at numero ng telepono). Kung pipiliin mong hindi tumanggap ng mga pasadyang anunsiyo, maaari mong irehistro ang pinili mong ito sa iyong Microsoft account sa pamamagitan ng pagbisita sa pahinang ito upang sa tuwing mag-sign in ka sa mga website o serbisyo na gamit ang iyong Microsoft account, ang aming mga sistema sa pag-aanunsiyo ay hindi magbibigay sa iyo ng mga nakapasadyang anunsiyo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paanong ginagamit ng Microsoft ang impormasyon para sa pag-aanunsiyo, pakitingnan ang Karagdagan para sa Pagkapribado ng Microsoft Advertising.
Makagagamit ka ng email address na mula sa Microsoft (tulad ng mga nagtatapos sa live.com, hotmail.com, o msn.com) o isang email address na mula sa isang ikatlong partido (tulad ng mga nagtatapos sa gmail.com o yahoo.com) kapag ikaw ay mag-sign up para sa iyong Microsoft account.
Pagkatapos makagawa ng Microsoft account, magpapadala kami sa iyo ng email na hinihingi sa iyong tiyakin na ikaw nga ang may-ari ng email address na kaugnay ng iyong Microsoft account. Ang prosesong ito ay dinisenyo para matiyak ang katotohanan ng e-mail address at makatulong na pigilan ang paggamit sa mga e-mail address nang walang pahintulot ng may-ari nito. Pakatapos ay, gagamitin namin ang email address na iyon para padalhan ka ng mga komunikasyon kaugnay ng iyong paggamit sa mga produkto at serbisyo ng Microsoft; maaaring magpadala rin kami sa iyo ng mga email na pang-promo tungkol sa mga produkto at serbisyo ng Microsoft alinsunod sa pinahihintulutan ng lokal na batas. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pangangasiwa ng iyong pagtanggap ng mga komunikasyon na pang-promo, pakibisita ang Mga Komunikasyon.
Kung sinubukan mong magrehistro para sa isang Microsoft account at malaman na may ibang tao na una nang gumawa ng mga kredensiyal gamit ang iyong email address bilang user name, maaaring makipag-ugnayan ka sa amin at hilingin na kumuha ng ibang user name ang taong iyon at nang magamit mo ang iyong email address sa paggawa ng mga kredensiyal.
Pag-sign in sa software, mga site o serbisyo gamit ang iyong Microsoft account.
Kapag nag-sign in ka sa isang site o serbisyo gamit ang iyong Microsoft account, kumukuha kami ng ilang impormasyon para matiyak ang iyong pagkakakilanlan para sa site o serbisyo, para maprotektahan ka laban sa malisyosong paggamit sa account, at para maprotektahan ang bisa at seguridad ng serbisyo ng Microsoft account. Halimbawa, kapag ikaw ay mag-sign in, matatanggap at ilo-log ng serbisyong Microsoft account ang iyong mga kredensiyal at iba pang impormasyon, tulad ng bukod-tanging 64-bit na ID number na itinalaga sa iyong mga kredensiyal, ang iyong IP address, ang bersiyon ng iyong web browser at oras at petsa. Dagdag pa, kung gagamit ka ng isang Microsoft account para mag-sign in sa isang aparato o sa software na naka-install sa isang aparato, may random (sapalaran) na bukod-tanging ID na itatalaga sa aparato; ang random na ID ay ipapadala bilang bahagi ng iyong mga kredensiyal sa serbisyong Microsoft account kapag ikaw ay mag-sign in sa isang site o serbisyo gamit ang iyong Microsoft account. Ipapadala ng serbisyong Microsoft account ang sumusunod na impormasyon sa site o serbisyo kung saan ikaw ay nag-sign in: isang bukod-tanging ID number na nagpapahintulot na matukoy ng site o serbisyo kung ikaw ang taong mula sa isang naunang pag-sign at sa sumunod; ang numero ng bersiyon na itinalaga sa iyong account (may bagong numero na itinatalaga sa tuwing pagkakataon na ikaw ay magpapasok ng iyong impormasyon); maging nakumpirma o hindi ang iyong email address; at maging ang iyong account ay nai-deactivate o hindi.
Ang ilang ikatlong partidong site at serbisyo na nagpapahintulot sa iyo na mag-sign in gamit ang iyong Microsoft account ay hihingin ang iyong email address upang mapiagkaloob sa iyo ang kanilang serbisyo. Sa mga kasong iyon, kapag ikaw ay nag-sign in, ibibigay ng Microsoft sa site o serbisyo ang iyong email address ngunit hindi ang iyong password. Subalit, kung ginawa mo ang iyong mga kredensiyal gamit ang site o serbisyo, maaaring mayroon itong limitadong paggamit sa impormasyong may kaugnayan sa iyong mga kredensiyal upang matulungan kang mai-reset ang iyong password o para makapaghatid ng iba pang suporta.
Kung natanggap mo ang iyong account mula sa isang ikatlong partido, tulad ng sa paaralan, negosyo, internet service provider, o mula sa administrator ng isang pinangangasiwaang domain, ang ikatlong partidong iyon ay maaaring may karapatan sa iyong account, kasama na ang kakayahang i-reset ang iyong password, tingnan ang paggamit mo o profile data sa iyong account, basahin o iimbak ang nilalaman ng iyong account, at isuspindi o ikansela ang iyong account. Sa mga kasong ito, ikaw ay sasailalim sa Kasunduan sa Serbisyo ng Microsoft at sa anumang karagdagang patakaran ng paggamit mula sa ikatlong partidong iyon. Kung ikaw ang administrator ng isang pinangangasiwaang domain at nagbigay ng mga Microsoft account sa iyong mga user, ikaw ang may pananagutan sa lahat ng aktibidad na magaganap sa naturang mga account.
Pakitandaan na ang mga site at serbisyo na pumapayag na ikaw ay mag-sign in gamit ang iyong Microsoft account ay maaaring gamitin o ibahagi ang iyong e-mail address o iba pang personal na impormasyong ibinigay mo sa kanila ayon sa pagkakalarawan sa kani-kanilang mga pahayag ng pagkapribado. Gayunman, maibabahagi nila ang bukod-tanging ID number na ibinigay sa kanila ng serbisyong Microsoft account sa mga ikatlong partido para lang mapatupad ang isang serbisyo o transaksiyon na maaaring hiniling mo. Lahat ng site at serbisyong gumagamit sa serbisyong Microsoft account ay kinakailangang magkaroon ng nakapaskil na pahayag ng pagkapribado, ngunit hindi namin nakokontrol o namamanmanan ang mga gawi ng mga site na iyon, at ang kani-kanilang mga pahayag ng pagkapribado ay magiging magkakaiba. Dapat ay maingat mong pag-aralan ang pahayag ng pagkapribado ng bawat site na iyong pinapasok para matukoy kung paanong gagamitin ng bawat site ang impormasyong kinukuha nito.
Mabubuksan mo ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng pagpunta sa account. Maaari mong baguhin ang iyong user name kung ang iyong Microsoft account ay hindi pag-aari ng isang pinangangasiwaang domain. Maaari mong baguhin ang iyong password anumang oras, mga alternatibong e-mail address, numero ng telepono, at tanong at lihim na sagot. Maaari mong isara ang iyong Microsoft account sa pamamagitan ng pagpunta sa account, pagkatapos ay "Isara ang iyong account." Kung ang iyong account ay nasa isang pinangangasiwaang domain, tulad ng pagkakalarawan sa itaas, maaaring may natatanging proseso para sa pagsasara ng iyong account. Pakitandaan na kung ikaw ay isang gumagamit ng MSN o Windows Live, kung magtutungo ka sa account, maaaring madala ka sa account ng mga site na iyon.
Marami pang impormasyon tungkol sa Microsoft account ang makukuha sa Web site ng Microsoft account.
Dagdagan ang nalalaman tungkol sa
Sa ibaba ay makikita mo ang karagdagang impormasyon sa pagkapribado na maaaring (o maaaring hindi) importante para sa iyo. Karamihan nito ay naglalarawan sa mga karaniwang gawi na nais naming malaman mo ngunit hindi itinuturing na mahalagang bigyang-diin sa bawat isa sa aming mga pahayag ng pagkapribado. At ang ilan sa mga ito ay nagsasaad lamang ng mga bagay na alam na (halimbawa, magsisiwalat kami ng impormasyon kapag hiningi ng batas), ngunit ipinasasaad pa rin sa amin ng aming mga abogado. Pakitandaan na ang impormasyong ito ay hindi isang buong paglalarawan sa aming mga kasanayan - ang lahat ng ito ay bilang karagdagan sa iba pang mas tukoy na impormasyon na taglay ng mga pahayag ng pagkapribado para sa bawat produkto at serbisyo ng Microsoft na iyong ginagamit.
Sa pahinang ito:
Pagbabahagi o Pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon
Bilang karagdagan sa anumang pagbabahagi na nasa pahayag ng pagkapribado para sa produkto o serbisyong iyong ginagamit, maaaring ibahagi o isiwalat ng Microsoft ang personal na impormasyon:
Maaari din na kami'y magbahagi o magsiwalat ng personal na impormasyon, kabilang na ang nilalaman ng iyong mga pagkikipag-ugnayan:
Pakitandaan na ang aming mga site ay maaaring magtaglay ng mga link papuntang mga site ng mga ikatlong partido na maaaring naiiba ang mga gawi sa pagkapribado kaysa sa Microsoft. Kung magsusumite ka ng personal na impormasyon sa alinman sa mga site na iyon, ang iyong impormasyon ay nasasaklaw ng mga pahayag ng pagkapribado ng mga site na iyon. Hinihimok ka namin na pag-aralan ang mga pahayag ng pagkapribado ng anumang site na iyong binibisita.
Pagprotekta sa Seguridad ng Personal na Impormasyon
Ang Microsoft ay nangangakong protektahan ang seguridad ng iyong personal na impormasyon. Gumagamit kami ng iba't-ibang teknolohiyang pangseguridad at mga pamamaraan para makatulong na maprotektahan ang iyong personal na impormasyon mula sa di-pinahintulutang pagbubukas, paggamit, o pagsisiwalat. Halimbawa, iniimbak namin ang personal na impormasyong nakukuha namin sa mga computer system na may limitadong pagbubukas, na matatagpuan sa mga kontroladong pasilidad. Kapag nagpadala kami ng maseselang impormasyon (tulad ng credit card number o password) sa Internet, pinoprotektahan namin ito sa pamamagitan ng paggamit sa encryption, na tulad ng Secure Socket Layer (SSL) protocol.
Kung ang isang password ay gingamit para protektahan ang iyong mga account at personal na impormasyon, tungkulin mong panatilihing lihim ang iyong password. Huwag ito ipamahagi. Kung nakikigamit/nagpapahiram ka ng computer kaninuman, dapat ay lagi kang mag-log out bago umalis sa isang site o serbisyo para maprotektahan ang pagbukas sa iyong impormasyon mula sa mga susunod na gagamit.
Kung Saan Iniimbak at Pinoproseso ang Impormasyon
Ang personal na impormasyon na kinuha mula sa mga site at serbisyo ng Microsoft ay maaaring iimbak at iproseso sa Estados Unidos o sa anumang bansa kung saan ang Microsoft o ang mga kasosyo nito, mga tanggapan, o mga tagapaghatid ng serbisyo ay nagpapatakbo ng mga pasilidad. Sumusunod ang Microsoft sa U.S.-EU Safe Harbor Framework at sa U.S.-Swiss Safe Harbor Framework ayon sa itinakda ng U.S. Department of Commerce patungkol sa pangongolekta, paggamit, at pagpapanatili ng data mula sa European Economic Area, at sa Switzerland. Para alamin pa ang tungkol sa program ng Safe Harbor, at para tingnan ang aming pagpapatunay, pakibisita ang http://www.export.gov/safeharbor/.
Bilang bahagi ng paglahok ng Microsoft sa program ng Safe Harbor, ginagamit namin ang TRUSTe, isang hiwalay na third party, para lutasin ang ating mga hindi pagkakaunawaan na nauugnay sa aming mga patakaran at kasanayan. Kung gusto mong makipag-ugnayan sa TRUSTe, pakibisita ang https://feedback-form.truste.com/watchdog/request.
Maaaring ingatan ng Microsoft ang iyong personal na impormasyon para sa ilang kadahilanan, tulad ng pagsunod sa aming mga obligasyong legal, para ayusin ang mga pagtatalo, para ipatupad ang mga kasunduan, at hangga't kinakailangan para makapaghatid ng mga serbisyo. Para alamin kung paano i-access ang iyong personal na impormasyon, bisitahin ang Pag-access sa Iyong Impormasyon.
Mga Pagbabago sa Aming Mga Pahayag ng Pagkapribado
Pana-panahon naming i-a-update ang pahayag ng pagkapribado na ito para maipakita ang mga pagbabago sa aming mga serbisyo at puna ng mga customer. Kapag nagpaskil kami ng mga pagbabago sa isang pahayag, babaguhin namin ang petsa ng "huling na-update" sa itaas ng pahayag. Kung may mga pagbabagong materyal sa pahayag o sa paraang ginagamit ng Microsoft ang iyong personal na impormasyon, ikaw ay aming aabisuhan sa pamamagitan ng nakikitang anunsiyo ng mga naturang pagbabago bago ipatupad ang pagbabago o sa pamamagitan ng direktang pagpapadala sa iyo ng abiso. Hinihimok ka namin na suriin pana-panahon ang mga pahayag ng pagkapribado para sa mga produkto at serbisyong iyong ginagamit para malaman kung paanong iniingatan ng Microsoft ang iyong impormasyon.
Paanong Makikipag-ugnayan sa Amin
Microsoft Privacy, Microsoft Corporation, One Microsoft Way, Redmond, Washington 98052 USA
Para makita ang subsidiary ng Microsoft sa iyong bansa o rehiyon, tingnan ang http://www.microsoft.com/worldwide/.
FTC Privacy Initiatives
Seguridad sa tahanan
Trustworthy Computing