Ang Mga Alituntunin ng Twitter

See this article in English.

Ang layunin namin ay makapagbigay ng serbisyo na nagbibigay-daan sa iyong tumuklas at makatanggap ng nilalaman mula sa mga mapagkukunan kung saan ka interesado, at upang maibahagi mo rin ang iyong nilalaman sa iba pa. Iginagalang namin ang pagmamay-ari ng nilalaman na ibinabahagi ng mga user at responsable ang bawa't user para sa nilalaman na kanyang ibinibigay. Dahil sa mga prinsipyong ito, hindi namin aktibong sinusubaybayan at pinaghihigpitan ang nilalaman ng user, maliban sa mga limitadong pangyayari na inilalarawan sa ibaba.

Mga Limitasyon sa Nilalaman at Paggamit ng Twitter

Upang maibigay ang serbisyo ng Twitter at ang kakayahang makipag-usap at manatiling nakakonekta sa iba, mayroong ilang limitasyon sa uri ng nilalaman na maaaring i-publish sa Twitter. Sumusunod ang limitasyon na ito sa mga legal na pangangailangan at ginagawang mas magandang karanasan ang Twitter para sa lahat. Maaaring kailanganin naming regular na baguhin ang mga alituntunin na ito at inilalaan namin ang karapatang gawin ito. Mangyaring bumalik dito upang makita ang pinakabago.

  • Panggagaya: Hindi mo maaaring gayahin ang iba sa pamamagitan ng serbisyo ng Twitter sa paraan na ginawa o sinadya upang manlinlang, manlito, o manloko ng iba.
  • Trademark: Inilalaan namin ang karapatang bawiin ang mga username sa ngalan ng mga negosyo o indibiduwal na may legal na claim o trademark sa mga username na iyon. Ang mga account na gumagamit ng mga pangalan ng negosyo at/o mga logo upang manlinlang ng iba ay maaaring permanenteng masuspinde.
  • Pribadong impormasyon: Hindi ka maaaring mag-publish o mag-post ng pribado o kompidensyal na impormasyon ng ibang tao, gaya ng mga numero ng credit card, address ng kalye o mga numero ng Social Security/National Identity number, nang wala ang kanilang ipinahayag na awtorisasyon o pahintulot.
  • Karahasan at Mga Pagbabanta: Hindi ka maaaring mag-publish o mag-post ng direkta, o partikular na mga pagbabanta ng karahasan laban sa iba.
  • Karapatang Maglathala (Copyright): Tutugunan namin ang mga malinaw at kumpletong abiso ng ipinaparatang na paglabag sa copyright. Ang mga pamamaraan namin sa copyright ay nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo.
  • Paggamit na Labag sa Batas: Hindi mo maaaring gamitin ang aming serbisyo para sa anumang layunin na labag sa batas o sa pagsuporta sa mga ilegal na gawain. Sumasang-ayon ang mga user mula sa ibang bansa na sumunod sa lahat ng lokal na batas tungkol sa pag-asal sa online at katanggap-tanggap na nilalaman.
  • Maling paggamit ng Mga Twitter Badge: Hindi ka maaaring gumamit ng mga badge, gaya ng, nguni't hindi limitado sa Promoted o Beripikadong Twitter badge, maliban na lang kung ibinigay ng Twitter. Maaaring masuspinde ang mga account na gumagamit ng mga badge na ito bilang bahagi ng mga larawan sa profile, larawan sa header, imahe sa background, o sa paraang maling nagpapahayag ng pagkakaanib sa Twitter.

Pang-aabuso at Spam

Nagsusumikap ang Twitter na maprotektahan ang mga user nito laban sa pang-aabuso at spam. Hindi pinapayagan sa Twitter.com ang pang-aabuso sa user at teknikal na pang-aabuso, at maaari itong magresulta sa permanenteng pagkakasuspinde. Maaaring permanenteng masuspinde ang anumang mga account na gumagawa ng mga aktibidad na tinukoy sa ibaba.

  • Mga Serial Account: Hindi ka maaaring gumawa ng maraming account para sa mga layuning mapanira o mapang-abuso, o sa mga sitwasyon ng sabay-sabay na paggamit. Ang maramihang paggawa ng account ay maaaring magresulta sa pagkakasuspinde ng lahat ng nauugnay na account. Pakitandaan na ang anumang paglabag sa Mga Alituntunin ng Twitter ay maaaring maging dahilan ng permanenteng pagkakasuspinde ng lahat ng account.
  • Pinupuntiryang Pang-aabuso: Hindi ka maaaring makisangkot sa pinupuntiryang pang-aabuso o panggugulo. Ang ilan sa mga salik na isinasaalang-alang namin kapag tinutukoy kung anong pag-asal ang itinuturing na pinupuntiryang pang-aabuso o panggugulo ay:
    • kung nagpapadala ka ng mga mensahe sa isang user mula sa maraming account;
    • kung ang tanging layunin lamang ng iyong account ay upang magpadala ng mga mapang-abusong mensahe sa iba;
    • kung isang panig lang ang iniulat na pag-asal o may kasamang mga pagbabanta
  • Pagtanggap ng Bayad kapalit ng Username (Username Squatting): Hindi ka maaaring makisangkot sa username squatting. Ang mga account na mahigit anim na buwan nang hindi aktibo ay maaari ring alisin nang walang karagdagang abiso. Ang ilan sa mga salik na aming isinasaalang-alang kapag tinutukoy kung anong pagkilos ang itinuturing na username squatting ay:
    • ang bilang ng mga account na ginawa
    • ang paggawa ng mga account upang pigilan ang iba sa paggamit ng mga pangalan ng account na iyon
    • ang paggawa ng mga account para sa pagbebenta ng mga account na iyon
    • ang paggamit ng mga feed ng nilalaman ng ikatlong-partido upang i-update at panatilihin ang mga account sa mga pangalan ng mga ikatlong-partidong iyon
  • Spam sa imbitasyon: Hindi mo maaaring gamitin ang pag-import ng contact sa address book ng Twitter.com upang magpadala ng paulit-ulit at maramihang imbitasyon.
  • Pagbebenta ng mga username: Hindi ka maaaring bumili o magbenta ng mga username sa Twitter. 
  • Malware/Phishing: Hindi ka maaaring mag-publish o mag-link ng may masamang hangarin na nilalaman na ginawa upang sirain o gambalain ang browser o computer ng ibang user o upang ikompromiso ang pagkapribado ng isang user. 
  • Spam: Hindi mo maaaring gamitin ang serbisyo ng Twitter para sa layunin ng pag-spam sa kahit sino. Magbabago ang ibig sabihin ng "pag-spam" habang tinutugunan namin ang mga bagong diskarte at estratehiya ng mga spammer. Ang ilan sa mga salik na isinasaalang-alang namin kapag tinutukoy kung anong pag-asal ang itinuturing na pag-spam ay:
    • Kung sinundan mo at/o nag-unfollow ka ng maraming user sa loob ng maikling panahon, partikular na kapag gumamit ng mga automated na paraan (agresibong pagsunod o pagpapalit ng tagasunod);
    • Kung paulit-ulit kang sumunod at nag-unfollow ng mga tao, upang magparami ng mga tagasunod o upang makakuha ng higit pang pansin para sa iyong profile;
    • Kung ang iyong mga update ay halos naglalaman lang ng mga link, at hindi ng mga personal na update;
    • Kung malaking bilang ng tao ang nagba-block sa iyo;
    • Kung malaking bilang ng reklamo ng spam ang inihain laban sa iyo;
    • Kung nagpo-post ka ng dobleng nilalaman sa maraming account o maraming dobleng mga update sa isang account;
    • Kung nagpo-post ka ng maraming update na hindi nauugnay sa isang paksa gamit ang #, nagte-trend o sikat na paksa, o promoted na trend;
    • Kung nagpapadala ka ng malaking bilang ng mga dobleng @reply o pagbanggit;
    • Kung nagpapadala ka ng malaking bilang ng mga hindi hininging @reply o pagbanggit sa isang agresibong pagtangka na makakuha ng atensyon para sa isang serbisyo o link;
    • Kung nagdaragdag ka ng malaking bilang ng mga hindi magkakaugnay na user sa mga listahan sa isang pagtatangka upang makakuha ng atensyon para sa isang account, serbisyo o link;
    • Kung paulit-ulit kang gumagawa ng mali o mapanlinlang na nilalaman sa isang pagtangka upang makakuha ng atensyon para sa isang account, serbisyo o link;
    • Random o agresibong ginagawang paborito ang mga Tweet sa pamamagitan ng automation upang makakuha ng atensyon para sa isang account, serbisyo o link;
    • Random o agresibong Nagre-retweet ng mga account sa pamamagitan ng automation sa isang pagtangka upang makakuha ng atensyon para sa isang account, serbisyo o link;
    • Kung paulit-ulit kang nagpo-post ng impormasyon ng account ng ibang user bilang sa iyo (bio, Mga Tweet, url, atbp.);
    • Kung nagpo-post ka ng mga mapanlinlang na link (hal. mga link ng kaanib, link sa malware/mga click jacking page, atbp.);
    • Gumagawa ng maraming mapanlinlang na account upang makakuha ng mga tagasunod;
    • Nagbebenta ng mga tagasunod;
    • Bumibili ng mga tagasunod;
    • Gumagamit o nagpo-promote ng mga site ng ikatlong-partido na nagsasabing ikukuha ka nila ng marami pang mga tagasunod (gaya ng mga follower train, mga site na nangangakong "mabilis na kukuha ng maraming tagasunod para sa iyo," o anumang site na nag-aalok ng awtomatikong pagdaragdag ng mga tagasunod sa iyong account);
  • Pornograpiya: Hindi ka maaaring gumamit ng mahahalay at malalaswang larawan sa iyong larawan sa profile, larawan sa header, o background ng user.

Maaaring masuspinde ang iyong account dahil sa mga paglabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo kung totoo ang anuman sa mga nasa itaas. Pakitingnan ang aming mga pahina ng tulong tungkol sa Pagsunod sa mga alituntunin at mga pinakamainam na kasanayan at Mga alituntunin sa automation at mga pinakamainam na kasanayan para sa mas detalyadong pagtalakay sa kung paano naaangkop ang Mga Alituntunin sa mga partikular na pag-asal sa account na iyon. Ang mga account na ginawa upang palitan ang mga nasuspindeng account ay permanenteng masususpinde.

Maaaring maimbestigahan para sa pang-aabuso ang mga account na sangkot sa anuman sa mga pag-asal na ito. Ang mga account na iniimbestigahan ay maaaring alisin sa Paghahanap para sa kalidad. Inilalaan ng Twitter ang karapatang wakasan kaagad ang iyong account nang walang karagdagang abiso kung mapagpasyahan nito na nilabag mo ang Mga Alituntunin na ito o ang Mga Tuntunin ng Serbisyo.

Maaari naming pana-panahong baguhin ang Mga Alituntunin na ito; ang pinakabagong bersyon ay palaging makikita sa twitter.com/rules.

May Mga Tanong?

Tingnan ang aming kumpletong listahan ng mga artikulong nagbabalangkas sa aming mga patakaran, alituntunin, at pinakamainam na kasanayan.

Upang mag-ulat ng account para sa paglabag sa Mga Alituntunin ng Twitter, mangyaring gamitin ang aming mga form.

Were you satisfied with the quality of this article translation?

Submitting...